๐ง๐๐ฌ๐ข ๐ก๐๐ ๐๐ก, ๐๐ฆ๐๐: ๐๐ก ๐ข๐ฃ๐๐ก ๐๐๐ง๐ง๐๐ฅ ๐ง๐ข ๐ช๐ข๐ ๐๐ก ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐๐ฃ
- UPD UFC
- Apr 5, 2022
- 2 min read
Updated: Jun 10, 2022
Sa mga Kababaihang Lingkod-Bayan,
Sa pagtatapos ng Pandaigdigang Buwan ng Kababaihan, pinagpupugayan natin ang mga naging hakbangin ng mga kababaihang Pilipino tungo sa isang malaya at mapagpalayang lipunan. Ngunit, hindi natatapos sa buwan na ito ang pagpanday ng kolektibong puwersa sa ibaโt ibang sektor dahil patuloy pa rin ang ating pakikibaka laban sa sistematikong panunupil ng patriyarkiyang lipunan na nakapaloob sa masang Pilipino. Kasabay ng ubos-lakas nating pag-aklas sa kasalukuyang sistema ng lipunan ay dapat pigilan rin ang bantang paghabol sa kapangyarihan ng tambalang Marcos-Duterte. Kaya, tinatawag tayo ng panahon upang makiisa at bigyang pagkilala ang mga kababaihang lider na may buong puso at militanteng pakikibaka na buwagin ang macho-pyudal na sistema upang ipaglaban ang kabuhayan, kalusugan at karapatan ng masang Pilipino.
Ngayong nalalapit na halalan sa loob ng pamantasang Unibersidad ng Pilipinas Diliman pati na sa pambansang gobyerno, lubos na nangangailangan ng mga lingkod-bayan na siyang kumakatawan sa karapatang pantao at sa boses ng masa, partikular na sa sektor ng kababaihan at ng LGBTQ+. Natatanaw natin ang mga tanyag na pangalan ng mga kababaihang nagnanais maluklok sa ibaโt ibang posisyon - siyang posisyon na may kapangyarihang mapabuti, mapalakas, at mabago ang mga isyung hinaharap ng mga minorya buhat ng nakagawiang patriyarkal na sistemang dapat nang buwagin. Oras na upang babae naman ang mabigyang-boses sa gobyerno. Oras na para buwagin ang mga estereotipong nakaugat sa ating kolonyal at machopyudal na lipunan.
Gayundin, amin namang kinikilala na ang pagiging babae ay hindi lamang ang tanging kwalipikasyon upang masabing ang isang lider ay tunay na kumakatawan sa peminismo, karapatang-pantao, at kapakanan ng sangkababaihan. Ang mga susunod na magiging lingkod-bayan ay dapat magkaroon ng tamang konsiderasyon at representasyon sa kapakanan ng mga kababaihan sa ibaโt ibang sektor, makinig at tumugon sa tunay na panawagan at pangangailagan ng mga minorya, at makihanay sa pakikibaka ng mga kababaihang inaapi.
Ang laban ng sangkababaihan ay hindi nalalayo sa laban ng mga Iskolar ng Bayan, kaya naman bilang isang kolektibo ay aming itinataas ang siyang panawagan na sugpuin ang patriyarka at ang mga mekanismong nagpapaandar sa lipunang niyuyurakan ang karapatan ng mga kababaihan. Sa ating sama-samang pagsuporta, halinaโt saksihan at patunayang ang babae ay hindi babae lamang. Ang mga kababaihan ay tunay ngang may paninindigan upang makamit ang tunay na kalayaan sa kasalukuyang lipunan. Kami ay tumitindig para sa pagsaalang-alang ng mga lingkod-bayan sa mga sektor na ito at sa pakikiisa nila sa pagkilos nag masa upang iabante ang boses ng mga babae. Abante babae, palaban militante!
Comments