๐๐ถ๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ฒ ๐๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ถ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐๐บ๐ผ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐ต๐ถ๐บ๐ฒ๐ป ๐๐ถ๐ด๐๐ถ๐ป!
- UPD UFC
- Feb 1, 2022
- 3 min read
Updated: Jun 15, 2022
๐๐ถ๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ฒ ๐๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ถ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐๐บ๐ผ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐ต๐ถ๐บ๐ฒ๐ป ๐๐ถ๐ด๐๐ถ๐ป: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฑ๐ญ ๐ป๐ฎ ๐๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ฒ
ANO NGA BA ANG DILIMAN COMMUNE? Ang Diliman Commune ay nag-umpisa noong Pebrero 1, 1971 bilang isang mapayapang pakikibaka ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas. Kasama nila ang hanay ng mga tsuper ng Diliman bilang pagtutol sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng gasolina kasabay ng pagkabalot sa krisis ng ekonomiya sa ilalim ni Ferdinand Marcos [1, 2]. Bagaman mapayapa ang pagkilos ay nauwi ito sa karahasan dahil sa pagtatangka ng mga pulis (METROCOM) na manghimasok sa ginagawang demonstrasyon. Tumaas lalo ang tensyon nang mamaril ang propesor na si Inocentes Campos; isa ang napaslang โ ang estudyanteng si Pastor โSonnyโ Mesina Jr. [3, 4]. Ang pangyayaring ito ay ginamit ng mga ahente ng estado bilang rason upang ituloy ang tangkang pagpasok sa unibersidad [4]. Sa puntong ito, hindi na lamang tungkol sa presyo ng gasolina ang pakikibaka ng mga nagpoprotesta, kundi ang direktang pag-atake ng estado sa seguridad ng mga nakikibaka at ang kanilang karapatang ihayag ang kanilang oposisyon sa pamamalakad ng rehimeng Marcos [3, 4]. Hindi nagpatinag ang mga estudyante at nilabanan ang mga pulis at militar upang protektahan ang kanilang kalayaan sa unibersidad. Boluntaryo man nilang inalis ang mga barikada noong Pebrero 9, hindi pa rin nakamit ang lehitimong tagumpay. Nagpatuloy pa rin ang pagpapahirap ng mga Pilipino sa ilalim ng administrasyong Marcos at ang pilit na pag-atake sa unibersidad [3, 5].
Higit limampung taon na ang lumilipas, ngunit buhay pa rin ang diwa ng Diliman Commune. ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ถ๐บ๐ฒ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ผ๐ธ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐๐ฎ ๐จ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐๐๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ถ๐๐ถ๐ฝ. Bukod dito, milyon-milyong Pilipino ang nagdurusa dahil sa pagtaas ng mga bilihin at pagkawala ng kabuhayan sa kamay ni Duterte at ang kanyang mga kaalyado.
Sa pag-alala sa kagitingan at katapangan ng mga lumaban sa ngalan ng demokrasya, malayang pamamahayag, at edukasyon sa Diliman Commune noong 1971 sa panahon ni Marcos, malinaw ang patuloy na pagyurak at paniniil ng pasistang rehimeng Duterte sa karapatan, hindi lamang ng mga miyembro ng UP kundi ng masang Pilipino, at sa malaya at ligtas na pamamahayag at edukasyon. Namumuhay pa rin tayo sa isang mapanupil na lipunan, isang lipunang patuloy na takot sa mga estudyanteng plakard at panawagan ang tanging bitbit. Hindi natapos ang laban noon at lalong hindi ito natatapos ngayon. Patuloy na lalaban ang mga Iskolar ng Bayan.
Kaya naman, patuloy ang ating panawagang isabatas na ang UP-DND Accord at paigtingin ang edukasyong malaya sa pag-atake ng mapang-alipustang mga puwersa ng estado at militarisasyon ng ating mga paaralan. Patuloy rin ang kolektibong sigaw ng masang Pilipino na #NoToMarcosDuterte2022 bilang pag-alala at paglaban sa dalawang tiranikal na administrasyon. Sapat na ang mga itinuro ng ating madilim na nakaraan at madugong kasalukuyan.
Ang UP Diliman University Freshie Council, kasama ang mga Freshies, Shiftees, at Transferees ng Bayan, ay nakikiisa sa paggalang sa sakripisyo ng mga naging bahagi ng Diliman Commune at sa pagpapatuloy ng pakikibaka laban sa opresyon at pagpapahirap sa lipunang Pilipino. Mabuhay ang barikada!
SANGGUNIAN:
[1] Abad, A. (2021, February 1). LOOKBACK: The Diliman Commune of 1971. Rappler. Retrieved February 1, 2022 from https://www.rappler.com/.../lookback-what-happened-up.../
[2] Abinales, P.N. & Amoroso, D.J. (2005). State and society in the Philippines. Rowman & Littlefield Publishers, Inc.
[3] UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts. (2021). Diliman Commune timeline. Retrieved February 1, 2022 from https://upd.edu.ph/.../UPDate-Vol4-Num1-4-Diliman-Commune...
[4] Limos, M.A. (2021, February 1). Diliman Commune: The historic barricade that surrounded UP 50 years ago. Esquire. Retrieved February 1, 2022 from https://www.esquiremag.ph/.../diliman-commune-a00293...
[5] Putong, O. (2021, January 25). [OPINION] Lessons from the Diliman Commune: On militancy, academic freedom, and solidarity. Rappler. Retrieved February 2, 2022 from https://www.rappler.com/.../opinion-lessons-diliman.../
Image Source: martiallawchroniclesproject.com



Comments