top of page

NATIONAL DAY OF ACTION FOR ACADEMIC FREEDOM: STATEMENT OF THE UPD UNIVERSITY FRESHIE COUNCIL

Updated: Jun 10, 2022

DEFEND UP! DEFEND ACADEMIC FREEDOM! INSTITUTIONALIZE THE UP-DND ACCORD!


Noong 1989, si Donato Continente, isang staff ng Philippine Collegian, ay dinukot ng mga armadong tauhan sa loob mismo ng UP. Ang pag-arestong ito na siyang labag sa batas at sa karapatang pantao ang naging pibotal na alinsunuran sa pagsasabatas 1989 UP-DND Accord.¹ Matapos ang mahigit tatlong dekada ng pamamalakad ng kasunduang ito ay bigla na lamang nilansag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Accord noong Enero ng taong ito.² Kamakailan, matapos ang dapat sanang ikatlo at ikahuling pagpasa nito sa Kamara, bigla na lamang sumalansang si Cavite Rep. Boying Remulla sa Accord kahit pa lumipas na ang huling araw ng pagtututol rito.³ Kaninang hapon lamang ay muling natalakay sa Senado ang pagsabatas sa Accord ngunit walang naging klaro o pinal na desisyon hinggil rito at hindi rin natalakay ang di-makatuwid na pasiya ni Remullo.⁴


Isinasalamin ng mga nabanggit na hatol ang lantarang kabulastugan at pagwawalang-bahala ng gobyerno sa sanktidad ng ating pamantasan na siyang nagsisilbing kanlungan ng mga Iskolar ng Bayan. Ang mga estudyanteng kritikal at progresibo sa pagpuna sa mga anomalya ng gobyerno ay dumaranas ng panre-redtag at iba’t ibang uri ng banta sa kanilang kaligtasan, karapatan, at kalayaan. Ito rin ay tahasang pagpapakita ng administrasyong Duterte ng kanilang mapaniil, marahas, at tiranong kapangyarihan sa bansa.


Bagaman nais tayong malupig ng mga mambabatas at ng mga puwersa ng estadong pare-parehong parte ng makinarya ng pasistang rehimen ni Duterte, hindi kailanman mananaig ang mga banta sa ating akademikong kalayaan. Tayong lahat, bilang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, ay direktang nasasaklawan ng mga atakeng ito. Samakatuwid, malakas na ipinapanawagan ng UPD University Freshie Council ang pagpasa ng House Bill 10171 na nagsasabatas sa UP-DND Accord, at kaakibat nito ang mariin naming pagkundena sa pag-atake sa demokrasya at karapatang pantao ng mga Freshies, Shiftees, at Transferees ng Bayan. Tinatawag at hinihimok namin ang Kamara at ang mga mambabatas na kagyat nang ipasa ang UP-DND Accord at proteksiyunan ang malayang pag-iisip at pag-organisa ng sangkaestudyantehan. Tayo’y tumindig sa isang kolektibong pakikibaka upang maisulong ang akademikong kalayaan ng ating unibersidad!



Mga Sanggunian:


¹ ABS-CBN News. (2021, January 19). ALAMIN: Kasaysayan, nilalaman ng 1989 UP-DND accord. https://news.abs-cbn.com/.../alamin-kasaysayan-nilalaman...


² DND ends agreement with UP barring military, police from its campuses. (2021, January 18). CNN. https://cnnphilippines.com/.../up-dnd-accord-abrogate.html


³ Tolentino, M. R. L. (2021, October 5). House recalls approval of UP-DND security bill. The Manila Times. https://www.manilatimes.net/.../house-recalls.../1817194


⁴ Pahayagang KAPP. (2021, December 7). [@PahayagangKAPP]. Twitter. https://twitter.com/pahayag.../status/1468087469484642306...

Comments


bottom of page