top of page

STATEMENT OF THE UPD UNIVERSITY FRESHIE COUNCIL ON ANTI-TERROR LAW

HANDS OFF OUR STUDENTS! JUNK TERROR LAW!


Noong nakaraang April 26, 2022, matapos ang mahigit sampung buwan, naging pinal ang desisyon ng Korte Suprema ng Pilipinas sa pagtanggi ng mga Motion for Reconsideration na inihain ng iba’t ibang sibil at progresibong mga grupo at indibidwal laban sa mapanlinlang at opresibong Anti-Terror Act ni Duterte. Matatandaang subalit nagsabi ang Korte noong December 07, 2021 na ang Section 4 at Section 25 ng Anti-Terror Act ay “unconstitutional,” naiwanang buo pa rin ang kabuuan ng batas at nanatili ang mga pinakabulok na probisyon nito. Kasama rito ang posibilidad ng hanggang 24 araw na pagkabilanggo ng walang kasong naisasampa laban sa tao, pati na rin ang pag-suspend ng writ of habeas corpus.


Kamakailan naman ay nagkaroon ng banta sa ilang mga Iskolar ng Bayan na sina Jonas Abadilla, ang Chairperson ng UP Diliman University Student Council, at si Lance Dayrit, miyembro ng UP Samahan sa Agham Pampulitika (UP SAPUL). Napag-alamang sila ay hinahanap at dinalaw mismo ng mga pwersa ng estado nang walang klarong dahilan o ligal na proseso. Ang di-makatarungang banta na ito kina Jonas at Lance ay dadalawa lamang sa libo-libo pang kaso ng panreredtag at pang-ha-harass sa mga lider-estudyante at mga miyembro ng mga organisasyong progresibo, hindi lamang sa loob ng pamantasan kundi pati na sa iba’t ibang institusyon sa buong bansa. Isa itong direktang pag-atake sa karapatang mag-organisa, kalayaang pang-akademiko, at kabuoang karapatang pantao ng sangkaestudyantehan


Malinaw na ang Anti-Terror Act ni Duterte ay ang naging paraan ng estado upang gawing lehitimo ang pananapak nito sa mga karapatang-sibil at pantao ng mga estudyante at masang Pilipino. Mula pa lamang sa naging pagbuo nito, kung saan isinaprayoridad ito sa gitna ng malubhang pampublikong krisis sa kalusugan, at ginawa pang agaran ang pagpasa nito sa kamara at pagpaparating sa lamesa ni Duterte upang lagdaan. At ngayong ultimo ang pinakamataas na hukuman ng Pilipinas ay pumanig sa reaksyonaryong estado, pinal na hindi titigil ang mga pasistang pwersa upang mas gawing makatuwiran sa mata ng batas ang mga kasong kagaya ng kina Jonas at Lance, at tuluyang tapakan at warakin ang progresibong boses ng sambayanang Pilipino.


Kaya higit-kailanpaman, patuloy ang panawagan ng mga FST ng Bayan na tumitindig kasama ang malawak na hanay ng masang Pilipino: IBASURA ANG ANTI-TERROR LAW! Ibasura ang batas na walang hangad kung hindi manupil ng mga karapatang pantao at pang sibil ng mga Pilipinong naghihikahos laban sa bulok na pamumuno ng administrasyong Duterte. Ang ating sigaw ay HANDS OFF OUR STUDENTS! IPAGTANGGOL ANG KALAYAANG PANG-AKADEMIKO! Walang lugar ang mga puwersa ng estado mula sa loob ng Unibersidad hanggang sa mga bahay mismo ng mga Iskolar ng Bayan, at mas higit na walang lugar ang Anti-Terror Law sa susunod na administrasyon.

Sources:

Torres-Tupas, T. (2022, April 06). It's final: only 2 portions of Anti-Terror Law are unconstitutional. Inquirer.net.https://newsinfo.inquirer.net/.../its-final-only-2...


Buan, L. (2022, April 26). Supreme court upholds with finality most of anti-terror law. Rappler. https://www.rappler.com/.../supreme-court-denies-with.../


Chua, C. (2022, May 01). Police officers make suspicious visit to home of USC Chairperson. Philippine Collegian. https://phkule.org/.../police-officers-make-suspicious...


UP CSSP Student Council. (2022, May 02). Security Alert. https://www.facebook.com/CSSPSC/posts/5279471565450173


Image: Philippine Star

Comments


bottom of page